One time, naglalakad kami papunta sa klase ng may makanta ang classmate ko," i wanna be a tutubi na walang tinatagong bato sa aking kamay....."
Natuwa ako at sumabay ng biglang singit ang lalaki kong classmate at sinabing" di ba panlarong pambabae lang yan?"
Sinagot ko siya ng " hindi kaya, may naglalaro nga sa amin niyan kahit yung batang siga dun sa amin na may eksema" bigla ko na lang naalala yung mga laro na nilalaro namin noon. Ito sila:
1. Mataya- taya:
- larong habulan. Dahilan ng mga peklat sa tuhod at kamay. pag nagsimula na ang laro ay may sisigaw na" Walang Balik-bayan ha!!!" Kawawa tuloy ang taya. At pagkatapos ng laro ay animo hingal kabayo ang lahat at pupunta sa isang tindahan upang bumili ng ice water.
2. Tumbang preso:
- laro ng hagisan ng tsinelas. Dahilan ng pagkabubog dahil tumatakbo habang walang saplot sa paa. Bigla ring may sisigaw pag may hinabol na siya "walang sisipa, sumipa taya" kaya ang mga hindi hinabol, nakatanga sa isang sulok habang naniniwala pa rin sa mangu-utong taya.
3. Patintero:
- laro ng harangan at balyahan. Dalawang grupo ang magkalaban at merong miron lang. Yung mga batang lampa o kaya ay kaaway ng madla. Parang people of the Philippines versus bumblebee" ang drama niya. Sa simula ay masaya, ngunit di magla-laon ay magkaka-iringan na sapagkat hindi papayag ang isang grupo na taya sila habang pinaninindigan naman ng kalaban na grupo na may nataya sila.
4. Piko at tatsing:
- laro ng batuhan ng bato o kaya ay kung anu-anong laruan. Sa piko, kumuha lang ng bato ay okay ka na. Sa tatsing naman ay mga laruan na flat surface o patag. Babalutan pa ng lambre at kung anu- anong pampabigat. May daya din dito, i-share ko sa inyo. Palakihan ng hakbang ngunit pag nahuli ng kalaban ay magmamaang- maangan kahit huling huli na ng lahat ng nanonood.
5. Luksong Tinik:
- sa larong ito ay may dalawang grupo. Ang taya at ang lulundag. Swerte ka kung ang kakampi mo ay malaki ang kamay at malaki pati paa. sa huli ay nag-aaway lang din dahil igigiit ng isa na taya at yung isa naman ay hindi. Bahala na silang magpasya.
6. Luksong Baka:
- iba naman ito sa luksong tinik, kung doon ay gumagamit ng kamay at paa, dito ay katawan at lakas ng bisig. Isahan lang din ito. Isa ang taya at ang iba nag tatalon. Kawawa dito ang mapapayat lalo na kung may kasaling mataba. Siguradong bibigay ang kanyang maliit at seksing likod. Sanhi rin ito ng pagkasubsob, pagkabali ng ulo(kung matatamaan ng paa), at pagsuka ng dugo( lalo na pag mabigat ang tatalon sa iyo). May kalmutan factor din dito dahil ikmbes na kamay ay kuko ang pinanghahawak upang makatalon. Kawawang taya, Purokalmot na, argabyado pa. TSk Tsk!
Marami pa sana kaso nakarating na pala kami sa room kaya tinigilan ko na ang kai-isip ng mga larong alam kong kinalakihan na nating lahat. (Pssst! Ikaw! Ikaw nga! Wag ka ng magmang-maangan pa ha? Payaman effect ka pa eh alam ko namang nalaro mo narin yan no! Chosero!)
Tuesday, August 11, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment