Monday, August 10, 2009

ANG AMING KINATATAKUTAN

Sa araw-araw na ginawa ng DIYOS, lagi kaming masaya. Puro tawanan, kabugan at kwentuhan. Wala kaming iniisip na ibang bagay. Wala kaming pinangangambahan. Hangang sa dumating ang araw na ito. Lahat kami ay ipinatawag ng aming LITTLE BOSS. Lahat kami ay kinabahan, natakot at pimagpawisan ng malapot na parang condensed milk (ang pinakaiba nga lang ay maalat ang amin, hindi matamis).

Pinapila na niya kami. Pero hindi kami sabay-sabay. Lima-lima lang. Seryoso ang lahat ng magsalita siya ng "... ang baho naman..." Natawa kami kaya kahit papano ay nabawasan ang aming kaba at takot. Hindi namin mawari kung ano ang dapat na maramdaman, kung maiihi o matatae. Para ring may naglalarong paru-paro sa aming naglalakihan at naglolobohang tiyan.

Feeling namin ay hindi na namin talaga kaya. Parang sasabog ang aming mga puso sa sobrang nerbiyos. Feeling ko ay maiihi na talga ako ng biglang may sumigaw sa pangalan ko. Buti na lang at hindi lumabas.


Hindi ko na talaga kaya, kaya nagtanong na ako. Naglabas siya ng berdeng papel. At nilagyan ng petsa sa likod. At sabay sabing " chenes chenilyn bumble bee... sa sabado na ang deadline nito ha..."


HOOOOOOOOOOO!!!!!! EVALUATION FORM lang pala!!!!!!
Buwisit! Akala NAMIN AY KUNG ANO NA!

Moral Lesson: Bawasan ang pag-inom ng kape...

No comments:

Post a Comment