Wednesday, August 19, 2009

LABO



Bilang ako'y isang OBSERVANT, napapansin ko na lumalabo na ang tubig sa ating kapaligiran. Dumudumi at nasisira. Pero hindi tungkol sa maduming tubig at kapaligiran ang aking bonggang blog for today. Ito ay para sa aming magkakaibigan.

Napansin ko kasi na parang "LUMALABO" na ang aming pagkakaibigan.
Sabi nga sa akin ng isang bagong iskolar " mukhang masisira yung friendship nyo dahil sa aming NEW". Mariing pinabulaanan ko ang kanyang konklusyon. Ni minsan ay hindi ko naisip na "PANIRA" sila sa amin. Lalong tumitindi ang tensyon sa pag-itan ng dalawang panig. Kumbaga eh, may namumuong tropical depression. Sa mga ganitong pagkakataon ako hindi maaasahan dahil may pagkaiyakin ako. Tinuturing ko na silang pamilya kaya hindi ko kayang mamagitan. Pero ngayon, sa pinapakita niya, parang unti-unti nang nasisira yung yung tiwala ko. Tumatabang ika nga. Alam mo naman kasing ikaw yung may kasalanan, ikaw pa yung mapagmataas. Dahan-dahan ka ba, baka bumagsak ka eh sa putikan ka pulutin. Matuto tayong magpakumbaba at tumanggap ng pagkakamali. Hindi naman sa lahat ng oras ay tama tayo. Kahit nga ang isang doktor, nagkakamali pa rin kung minsan, tayo pa kaya na wala pang masyadong alam? Bawas-bawasan na rin natin yung pagiging you-know-what natin... Walang magandang maidudulot iyon sa atin, bagkus ay magdadala sa atin sa putikan.

Minsan talaga, mayroon tayong mga hindi pagkakaintindihan. Pero at the end of the day, alam kong matatapos at maa-ayos pa rin ito sa pamamagaitan ng mabuting usapan. Hindi rin solusyon ang confrontation.Kaya sana magka-ayos na kaming lahat, dahil ika nga nila "Anumang bigat ay gagaang kung pagtutulung-tulungan."

CIAO! (^0^)

No comments:

Post a Comment