Wednesday, July 29, 2009

Epidemya

I

Masaya kaming nagsasama sa isang opisina o tinatawag na naming tahanan.
Dito namin ginugugol ang aming mga oras. Masaya kami dito pagsama sama.
Dito nagaganap ang tawanan, iyakan , suntukan at walang sawang kabugan.
Kung magkwentuhan kami ay parang kami lang ang tao sa aming mumunti ngunit bonggang bonggang skwelahan. Di kami nawawalan ng tawanan sa bawat oras na kami ay nagkakabugan.
May sari-sariling kwentuhan, malulupet na kasaysayan ng buhay na walang hanggan.
Nagkakaroon din kami ng konting tampuhan ngunit agad nilulutas bago sumapit and panibagong bukas. Yan ang buhay naming mga schOLars !

II

Panahon na ng pagma-market ng schoOL . Obligado kaming tumulong sa gawaing ito.
Sama sama kami mga schOlars, Ms.(blank):na syang ASSISTANT ng aming boss at Mrs.(blank) na aming tinaguriang AMO ! _@#$%^&*( !_
Masaya ang proyektong ito kahit nakakapagod. Bukal sa loob namin ang pagtulong sa kanila at pagentertain sa ibang tao. Halos di na namin napapansin na hindi pa pala kami kumakain. Basang basa man ang aming mga saplot ngunit OK lng ! dahil kahit tumulo man ang pawis ay may TOWEL naman ... hahaha :)

III

Hanggang isang araw dumating na ang kagimbal gimbal na pangyayari.
Nagkaroon ng malawakang epidemya. Nagkagulo ang mga tao at apektado kami rito.
Ang kanilang mga gawain na pabigla bigla ay sa amin iniatang.
Kami ay nabigla at natuliro sa mga nangyari. Hindi kami handa ngunit pinilit parin naming gampanan ang kanilang responsibilidad. Nagkaroon ng mga pagkakamali at di maiiwasan yun sapagkat di kami handa at walang perpektong tao.
Sinisi nila sa amin ang kanilang pagkakamali. Nilapastangan at nilurakan nila ang aming pagkatao na hindi naman dapat kami ang may kasalanan kundi Sila ! Sila ! Sila !
Mrs.(blank) at Ms.(blank) : "Akala nyo lang wala pero MERON ! MERON ! MERON ! (pak!)

IV

Nagkaroon kami ng pagpupulong. Pagpupulong na sasagot sa aming mga katanungan.
Mga katanungan na nagbibigay samin ng mga problema. Problema na bumabagabag sa aming puso`t isipan. Puso`t isipan na nasasaktan sa kanilang mga paratang. Mga paratang na walang katotohanan. Katotohanan na dapat nilang ituro sa skwelahan at hindi kasinungalingan. Kasinungalingan na nagbubunsod ng Kaguluhan. Kaguluhan na nagbubunga ng pag-aaway away. Pag-aaway away na hindi ko inaasahan !

At dyan puh nagtatapos ang aking TULA ... (Take a bow)

O==1====>Scholar Citizen

No comments:

Post a Comment