Friday, July 31, 2009

Another Side of Us

Akala nila, pag skolar ka, puro aral, nerd and tingin ng lahat ng tao sa iyo. Pero dun sila nagkakamali, marunong din naman kaming magsaya at mag-relax no! Ito ang patunay diyan...


(Ehem! Hindi po kami sugarol, props lang po...)



(Hindi po kami paniki! Mga tao lang po kaming mahilig tumalon!)







(KABOG! San ka pa? Skolar na, sexy pa? Sige maglaway kayo diyan !!!)



(Ang daming niyang chicka babes oh!!!)


(Para kaming sira!!! Mga baliw! Mga baliw!)





O pano ba yan? Sabi sa inyo eh, marunong din kaming magsaya, at hindi lang puro libro ang aming hawak.

Minsan lang maging bata kaya sulitin na!!!!



Ika nga nila, " LIVE LIFE TO THE FULLEST! DON'T HOLD BACK!"

CIAO! (^0^)

Ang Simula ng Lahat

Lahat naman ng bagay dito sa mundo may pinagmulan, tayo ngalang tao eh, hidi pa alam , may nagsasabing sa UNGGOY, meron sa ABO, at meron namang sa KAWAYAN. Hmp! Kahit san pa tayo nagmula, ang isang organisasyon ay may pinagmula, hindi naman bigla na lang yang sumulpot dahil may usok na lumabas, binubuo iyan, katulad ng aming organisasyon...

Sampu lang talaga kami nung una, bago kami nadagdagan ng bongang- bonga!
At ito kami,





Masaya naman kami kahit konti lang kami noon, kwentuhan, tawanan, lafangan at tulong sa aming mahal na "AMO". At mas nagkakila-kilala kami nitong nakaraang bakasyon lamang....









Ngunit, subalit, datapwat, bigla kaming inutusan na tumanggap ng mga bagong pusang gala. At ngayon ay halos dumami kami ng limang beses sa orihinal naming bilang, ito na kami ngayon....



Pero hindi pa kami lahat iyan, sige, next time, as in lahat na kami talaga!

CIAO!!! (^0^)

"good job man lng sna..."

magandang gabi..

nhihiya nman akong mag-lagay dito ng kagaguhan ko.. sbi ng ktabi ko,gandahan ko nman daw ksi mgaganda ung nauna,, so eto, gandahan ko daw..

eto na umpisa..

simplelng kmi noon.. apply ka lng, pasok kna.. walang ganto.. walang ganyan.. so nasanay ako.. kme.. iba iba humawak samin.. iba iba ng mga "AMO".. ok lng.. care ko ba? basta nag aaral ako.. un na un.. ok skin ung unang amo.. ung di ko pa sya kilala.. haha.. kse isa na syang SALOT sa buhay ko ngayon.. mas hiniling ko pa nga na bumalik na lng ung pangatlong "AMO" ko.. gets?? di ko nman hiningi sa knila top.. di ko rin nman cguro pinilit na tanggapain ako dito.. sila nman nag bigay dba?? malay ko ba na ganto na mngyayare??

di nman sya nag papaaral saten ahh??? bkit sa knya tyo sumusunod? bkit sa knya lng tyo nkikinig?? pinagtatanggol nya tyo?? daaahhh???? bkit kelangang ipagtanggol?? my gnawa ba kme??? kng meron? cno ba nagpagawa non? cno ba naglagay samin jan?? kmi ba nagsabe mag duty kme? san pa bang scool merong "scholar" na nagduduty?? wla nmang allowance.. oh khit walang allowance.. bka mag mukha pa kming pera.. my mkukuha ba kmi dito?? ahh oo pla.. MERON pala..

maraemi.. ganto.. "kunin mo nga yung pamaypay ko dun".."buhatin mo nga to dun".. "muka kyong tanga"... "wag nyo na ulit gagawin un"... "blisan nyo na ipamigay nyo na yan",,, "sinungaling ka"..."di ko gusto gnawa nyo".. "nkakapagod".."asan ang mga skolars ko?" ..
natatamad na ko mag type pra sbihin pa lhat ng cnasabe ng mga "AMO"..

pero meron ba kayong rinig na MAGANDA?? tipong.. "good job scholars".. "oh magpahinga na kyo".. "ang galing ng gnawa nyoo nkakatuwa kyo".. "great job".. meron ba???? AKALA NYO LNG MERON.. PERO WALA!!! WALA!! WALA!!!

Wednesday, July 29, 2009

Epidemya

I

Masaya kaming nagsasama sa isang opisina o tinatawag na naming tahanan.
Dito namin ginugugol ang aming mga oras. Masaya kami dito pagsama sama.
Dito nagaganap ang tawanan, iyakan , suntukan at walang sawang kabugan.
Kung magkwentuhan kami ay parang kami lang ang tao sa aming mumunti ngunit bonggang bonggang skwelahan. Di kami nawawalan ng tawanan sa bawat oras na kami ay nagkakabugan.
May sari-sariling kwentuhan, malulupet na kasaysayan ng buhay na walang hanggan.
Nagkakaroon din kami ng konting tampuhan ngunit agad nilulutas bago sumapit and panibagong bukas. Yan ang buhay naming mga schOLars !

II

Panahon na ng pagma-market ng schoOL . Obligado kaming tumulong sa gawaing ito.
Sama sama kami mga schOlars, Ms.(blank):na syang ASSISTANT ng aming boss at Mrs.(blank) na aming tinaguriang AMO ! _@#$%^&*( !_
Masaya ang proyektong ito kahit nakakapagod. Bukal sa loob namin ang pagtulong sa kanila at pagentertain sa ibang tao. Halos di na namin napapansin na hindi pa pala kami kumakain. Basang basa man ang aming mga saplot ngunit OK lng ! dahil kahit tumulo man ang pawis ay may TOWEL naman ... hahaha :)

III

Hanggang isang araw dumating na ang kagimbal gimbal na pangyayari.
Nagkaroon ng malawakang epidemya. Nagkagulo ang mga tao at apektado kami rito.
Ang kanilang mga gawain na pabigla bigla ay sa amin iniatang.
Kami ay nabigla at natuliro sa mga nangyari. Hindi kami handa ngunit pinilit parin naming gampanan ang kanilang responsibilidad. Nagkaroon ng mga pagkakamali at di maiiwasan yun sapagkat di kami handa at walang perpektong tao.
Sinisi nila sa amin ang kanilang pagkakamali. Nilapastangan at nilurakan nila ang aming pagkatao na hindi naman dapat kami ang may kasalanan kundi Sila ! Sila ! Sila !
Mrs.(blank) at Ms.(blank) : "Akala nyo lang wala pero MERON ! MERON ! MERON ! (pak!)

IV

Nagkaroon kami ng pagpupulong. Pagpupulong na sasagot sa aming mga katanungan.
Mga katanungan na nagbibigay samin ng mga problema. Problema na bumabagabag sa aming puso`t isipan. Puso`t isipan na nasasaktan sa kanilang mga paratang. Mga paratang na walang katotohanan. Katotohanan na dapat nilang ituro sa skwelahan at hindi kasinungalingan. Kasinungalingan na nagbubunsod ng Kaguluhan. Kaguluhan na nagbubunga ng pag-aaway away. Pag-aaway away na hindi ko inaasahan !

At dyan puh nagtatapos ang aking TULA ... (Take a bow)

O==1====>Scholar Citizen

Ang Aming Bagong Tahanan

Bilang nabanggit na rin namin na BITTER na kami sa aming "AMO", napilitan kaming mga may "KASALANAN" na mag-evacuate. As In! Nagsi-alsabalutan kaming mga may "KASALANAN" at lumipat ng ibang pwedeng pugaran.

Kung noon ay makikita ninyo kami sa aming lunga sa opisina na inyong makikita sa pagpasok ninyo sa aming magandang paaralan, ngayon ay doon na kami sa aming bagong "PUGAD" sa aming malaking silid-aklatan. Dito na kami nagpapahinga, nange-eskandalo ng mga estudyanteng walang magawa sa buhay tulad namin na ipinanganak yata dito sa mundong ibabaw upang mag-ingay, maggulo at mangulit ng tao. Ngayon ay mas masarap ang buhay namin sa aming bagong "PUGAD" una, walang nag-uutos, air-condition at higit sa lahat nakakapagkwentuhan kami tungkol sa aming mga sabog na buhay.

marahil ay iniisip ninyong nasisiraan na ako ng bait, pero yan ang hubad na katotohanan. Lumayas o pinalayas, masaya na rin kami sa aming naging desisyon. Atleast ngayon, kami-kami na lang. Magulo mula sa mundo ng mga kutong-lupa at wala na ring "AMO"

Monday, July 27, 2009

troboL?

hndi nmn kme natotrobol eh. at walang dahilan para kme matrobol dhl wal kmeng ginagawang mali. pero magkakaron ng trobol kung meron gumagawa ng paraan para mapatrobol kme. getz nyo?

tulad n lng nung may gnawa kme n isang bagay, hindi nga lng isang bagay yun eh, kundi marami n kmeng ngawa. tama nmn ang ginawa nmen. pero napansin p rin ng iba n may mali. bket ganon? gngwa lng nmn nmen yung trabho nmen. ginagawa nmen ng maayos, mahusay, at walng pag-aalinlangan. pero ano? may mali pa rin. trobol n nmn. lagi n lng ganito. marami k ng ginwang tama, pero ang laging natatandaan ay yung isa o dalawa mong pagkakamali. lagi ba tlgng ganito? ano ba tlga ang dapat gawin? hndi n nmen alam kung saan kme lulugar.

kung tutuusin ay hindi nmn nmen trabho ang trabahong yun eh. pinagagawa lng sa amen. oo, naiintindihan nmen na pra nga nmn bumilis ang trabaho. pero ang iutos ang halos lhat ng trabaho na iyon sa amen ay hindi na kanais-nais. dhl sa pagbigay ng tabaho na iyon sa amin, dun kme nalalagay sa trobol..dhl hndi kme dapt ang gumagawa nun. dhl hndi nmen trabho yun...meron dpt utusan pra gumawa ng trabho n yun...

gnito ba tlga ang buhay iskolar? iskolar nga ba? o iskolar kuno?

hay naku...sige na nga.ano pa bah?...wala nmn mgagawa eh...

ANG AKING BUHAY

Hello mga friendship, katoto, kaibigan, kaututang-dila, sanggang-dikit, kakabugan, kachuravahan, kabarkada, katropa, dabarkads, kapuso at kapamilya! meron pa pala ka shake at ka-Q!!!!
Ako nga pala si ELO. Hindi ko rin alam kung bakit yan ang pangalan ko, pwede namang JOHN o kaya ALFREDO pero ganyan talaga ang ibinigay sa akin eh, wala na akong magagawa. Hindi naman kasi isa lang ang nagmamay-ari ng panagalang iyan. Marami kami, as in!!!
Humigit kumulang isang- daan kami pero ang kinikilala ko lang ay 56.
Binubuo ako ng iba't-ibang uri at klase ng tao. Imagine ang isang tao na may 56 na ulo at 112 na kamay at paa!!! Ganoon ako!!! Pero kahit sobrang dami ko, okay lang dahil masaya namin ako sa aking buhay. Parang normal pa rin, kumakain ng tatlong beses sa isang araw, may mabahong utot, naglalabas ng sama ng loob at sumasagot sa tawag ni Inang Nature.


Yan ako, minsan may topak minsan wala. Tumatawa pag may nadulas at umiiyak pag nasasaktan. Takot din ako sa nalipad na ipis at kung anu-ano pang insekto. At higit sa lahat, nangangailangan din ng pera tulad ninyo!!!

Saturday, July 25, 2009

banas

Hindi pala lahat ng sinasabi niya ay TAMA!
Pagkatapos kang pahirapan, alilain, pagapangin at pahalikin sa lupa ay isang nakabi-binging sigaw lamang ang igaganti sa iyo! Hindi naman kailangang gawin niya sa amin iyon, dahil hindi kami ang may kasalanan. HINDI! HINDI! HINDI!

"Kayo ang may kasalanan... chenelin chenes churva ekek... kayo! Kayo!"

Iyan ang mga katagang pauli-ulit na umaalingawngaw sa aming malalaking tenga.

kasalanan ba naming parang mga abnormal yung mga kutong-lupa na iyon! Parang hindi nagi-isip! Alam mo yon? Kakabanas talaga. Pagod na pagod ka na nga eh sasabunin ka pa wala pang banlaw! Kairita!

kaya magmula ngayon, BITTER na kami sa kanila!!!!!!